© Theme
by ubhie
April 23, 2014 • 5172 Enchanted • reblog →

Hindi ko masasabing super close kami ni lolo, pero di ko din masasabing di kami close. Normal lang na parang hindi. Hahahahaha ang labo ko. Doon kami lumaki halos lahat magkakapatid dahil lagi kaming iniiwan noon nila mama at papa sa kanila pag papasok sila sa trabaho. Lolo at lola ko ang nag-alaga samin. Pati mga pinsan ko, ganun din. Kaya iba din yung bonding na meron sa pagitan naming lahat.

Kung tatanungin niyo ko, marami akong maikkwento tungkol sa kanila ni lola. Mula sa pagkabata hanggang sa ngayong matatanda na kami. May masaya. May malungkot. May nakakainis. Halo-halo.

Isa sa naalala ko, eh yung tuwing may okasyon, birthday niya, o kahit tipong valentine’s day lang, magsasama sama kaming magpipinsan. Gagawa kami ng card para ibigay kina lolo at lola. Noon, nung inutusan akong may kukunin sa kwarto nila, nagulat ako dahil nakatago yung mga cards na binigay namin sa kanila kahit na ilang taon na ang lumipas nun. Hindi ko lang alam kung hanggang ngayon andun padin yun.

Isa pa, lagi niyang pinagttripan yung amerikanong nakatira malapit kina jonjon. Actually, german yun eh. Pero syempre, basta foreigner samin, automatic “kano” yun sa amin. Hahahaha. Tuwing dadaan yun kina lola, lagi niyang tinatawag yun. Hanggang sa isang araw tinawag niya yun at sabi niya, “Hey! Your dog…”. Naghihintay kami ng sasabihin niya. Medyo matagal bago siya nakapagsalita. Hanggang sa bitawan niya yung salitang “… is black.” Tapos tumawa kaming lahat. Hahahahahaha pati siya natawa sa kalokohan niya.

Haaay kapag naaalala ko yung mga kalokohan niya, namimiss ko ulit siya. Hindi pa ko sanay na wala na siya.

April 23, 2014 • reblog →
❛Everything seems to be exhausting me, no matter how much sleep or how much coffee I drink or how long I lie down, something inside me seems to have given up. My soul is tired.❞
→Unknown (via terrible)

Lolo’s wake - 2nd night

Halos kakatulog ko lang kaninang mga 9 am, ngayon gising nanaman ako.

Parang wala pa ko gaanong lakas. Naubos yung energy ko kagabi. Hindi din ako makatulog ng maayos ngayon dahil para bang laging may nakabantay sakin. Kung hindi pa ko makakarinig ng tumawag sa pangalan ko, pasigaw at pabigla niyang sinabing “kiaaaa”, nagulat ako sabay nagising bigla. Paggising ko ako lang naman mag-isa dito sa kwarto. Siguro kung sinoman yun, ginigising na niya ko para sabihing magpunta na ko kina lola.

April 23, 2014 • reblog →
FUCK YOU MEYCAUAYAN DOCTORS HOSPITAL

I’m saying fuck you sa inyong lahat jan. The worst hospital ever! Saan ka nakakita ng ospital na walang doctor at tanging mga nurse na wala din namang silbi ang andun? On call lagi ang doctor? Puta. Sa totoo lang, wala akong karapatan i-question yung kakayanan nila dahil alam kong professional sila. Mas alam nila ang makakabuti sa mga pasyente nila. Pero tangina, alin sa mga ginawa nila ang nakabuti? Imbis na gumaling yung pasyente, mas lalo lang nahirapan. Nagka-bedsore pa siya dahil yang mga nurse na yan, wala man lang pakiramdam. Tangina. Kung hindi mo pa nga utusan na ubos na yung oxygen, hindi pa gagalaw. Yung totoo? Hinihintay ba nilang mamatay nalang ng wala man lang silang ginagawa? Panay pa-inom ng kung anu-ano, eh parang wala namang improvement.

Hindi ko alam bakit mga naging nurse at doktor pa kayo. Hindi niyo kayang tratuhin ng tama yung mga pasyente niyo. Ang lalakas niyong manghingi ng PF. Puta kayo.

April 22, 2014 • 2 Enchanted • reblog →

21 April 2014, around 8:30 in the evening, his heartbeat stopped.

Wala na siya. Iniwan na niya kami. To be honest, kahit expected ko na ganito yung magiging ending ng lahat, nakakalungkot at medyo hindi padin ako makapaniwala.

Kagabi, nung tinanong namin si papa kung uuwi ba si mama galing sa ospital, sabi niya oo daw. Ano pa daw bang gagawin niya dun. Hanggang sa sabihin niya samin, “Patay na si lolo niyo. Ayaw lang ipasabi ni mama mo”. Para kaming na-stock sa kawalan. Hindi kami nakapagsalita agad. Hindi namin alam kung paano kami magrereact. Hanggang sa sampalin kami ng realidad. Wala na talaga siya. Nagtext din yung pinsan ko sakin. Sinabihan kami na wag muna magsalita sa kabila dahil bumebwelo pa sila kung paano sasabihin kay lola. Emosyonal silang lahat. Natural lang siguro yun.

Hanggang sa dumating si mama. Mukhang kakagaling lang sa pag-iyak. Ikinuwento niya sa amin kung paanong nangyari. Sabi niya, pauwi na nga sana sila nun ng biglang tumawag yung doktor. Pinatawag na sila na para bang kasali sila sa survivor philippines. Nakakakaba. Hindi mo alam yung mga susunod na mangyayari. Hanggang i-deklara na ng doktor na stop na yung heartbeat ni lolo. Kaya din pala ayaw na siyang i-dialysis ulit.

Nung nasa meycauayan doctors palang siya, tinaningan na siya ng doctor na hanggang 5 days nalang daw ang itatagal niya. Pero nalagpasan niya yun at umabot pa ng 2 linggo. Hanggang sa mailipat siya sa mcu. Tinaningan na din siya ng doktor dun, 24 hours lang. Pero lumagpas pa siya ng ilang oras. Pero sa huli, bumigay na din siya. Kumalat na yung virus sa katawan niya. Nag-malfunction na yung mga organs niya.

Yung taong laging andyan lang sa bahay nila noon na mahilig manghiyaw ng mga truck na nagmamaneobra sa tapat nila. Yung taong KJ sa tuwing may okasyon dahil binubuksan niya ng malakas yung stereo niya. Yung taong ayaw ng magulo at maingay. Yung taong kakaalis lang, gusto uuwi agad. Yung taong kahit matanda na, tumataya pa ng lotto. Nagsasabong pa. Yung taong kahit napakabugnutin, napakalambing. Lalo na sa lola ko. Kahit madalas silang mag-away dahil palaging inaasar ni lolo si lola. Lahat ng ‘to, magiging kwento nalang mula ngayon.

Para sakin, mabigat man sa pakiramdam ang mga nangyari, mas mabuti na tong ganito kesa makita naming nahihirapan lang siya lalo. Paano ka ba nga ba naman magiging okay kung alam mong yung taong to, kung makasurvive man sa sitwasyon niya, tanging gamot at oxygen nalang ang bubuhay sa kanya. Yung moment nga lang na nakita ko siya noon sa ospital, nakakapanghina. Kahit sino sa amin, ganun ang magiging pakiramdam.

Nawala man siya, alam naming lahat na ginawa naming lahat ang makakaya namin para tumagal pa siya. Sa kabila ng lahat ng gastos, ng pagod, ng puyat, ng gutom, lahat na, alam namin na hindi namin siya pinabayaan. Sa totoo lang, tanging lakas nalang ng loob ang nagpapatibay samin. Na sa totoo lang halos lokohin nalang namin yung sarili namin na magiging okay pa ang lahat, pero alam naman namin sa sarili namin ang totoo, hindi na. Malabo na. Milagro na lang ang kailangan namin.

April 22, 2014 • 4 Speak now • reblog →

We’re all seeking that special person who is right for us. But if you’ve been through enough relationships, you begin to suspect there’s no right person, just different flavors of wrong. Why is this? Because you yourself are wrong in some way, and you seek out partners who are wrong in some complementary way. But it takes a lot of living to grow fully into your own wrongness. And it isn’t until you finally run up against your deepest demons, your unsolvable problems—the ones that make you truly who you are—that we’re ready to find a lifelong mate. Only then do you finally know what you’re looking for. You’re looking for the wrong person. But not just any wrong person: the right wrong person—someone you lovingly gaze upon and think, “This is the problem I want to have.”

I will find that special person who is wrong for me in just the right way.

Let our scars fall in love.


→Galway Kinnell  (via 1112pm)
April 21, 2014 • 2416 Enchanted • reblog →

Lakas makapagsalita tungkol sa mga pa-famous. Pero di mo ba napapansin, ikaw mismo FAMEWHORE.

April 21, 2014 • 6 Speak now • reblog →
❛Yeah, maybe I’m just a little clingy piece of shit, but I love you more than anyone ever could.❞
→(via the-psycho-cutie)

Nakakamiss din pala yung mga time na pulahan pa yun buhok ko tapos medyo maganda pa tapos may bangs pa ko tapos ang taba taba ko. Yung tipong nagrereklamo na si jonjon na pag kinakandong niya ko ang bigat ko daw hahahahaha. Pero hilig niyang panggigilan ako. Naalala ko pa dati kinagat niya ko sa sobrang gigil. Ang sakit sakit.

Tuwang tuwa sila pag inaasar nila ko ng baboy. Yung tipong yung shorts ko nun, hindi na magkasya sakin kase nga sobrang sikip. Naiipit yung mga taba ko. Hahahahahahahahaha ang saya.

Pero ngayon, daig ko pa nagdadrugs neto. Ang payat ko na. Di naman ako nagdadiet. Di naman ako nagpapaka-skinny dahil skinny is love daw. Nagulat nalang ako, bigla nalang akong pumayat ng ganito. Tapos yung buhok ko parang walis tambo. Nakakairita na. Puputulin ko na to eh pag ako nainis. Hahahahahahahaha.

Bigla ko lang naisip naman. Nagkakalkal kase ko ng mga old pics namin.

April 21, 2014 • 1 Speak now • reblog →
When your girl is crying.

Don’t rub her back and say “Everything will be alright.” C’mon, you can do better than that. Tell her funny stories. Crack silly jokes. Make weird faces. Or you can just sit down with her and ask her what’s wrong. Or you can just hug her. Let her cry on your arms. And if that’s not yet enough and you can’t stop her tears from falling, just cry with her. Make her feel that whenever she is hurting, you’re feeling the same thing too. Her tears were your tears too. 

April 21, 2014 • 7232 Enchanted • reblog →
April 21, 2014 • 9962 Speak now • reblog →
I love the asshole type relationship.

saiichology:

You don’t always have to be sweet and lovey dovey all the time. You can be the assholes to each other and be mean. That’s when you know there is comfortableness. Making fun of each other, calling mean names, abusing each other. Abusing as in joking around. The playful fighting. That’s another way to show love. 

Kapag may hinihintay ka, wag ka na kaseng sumideline sa iba.
April 21, 2014 • 7 Speak now • reblog →
Ganyan naman lagi eh. Sa una, masayang masaya. Tapos masaya. Tapos masayang konti. Hanggang sa dumating sa point na parang masaya ka nalang.
April 21, 2014 • 12 Enchanted • reblog →
next